Maling Akala

Akala ko talaga magkakaron na ng matagalang pagbabago sa sitwasyon nung dumating siya, pero nagkamali ako. Panandalian lang pala. Ngayon balik na naman sa normal ang lahat. Pero naging masaya talaga ako. Hindi ko akalain na magiging masaya ulit ako, bad trip lang kasi panandalian nga lang. Nakabuo ulit ako ng mga pangarap, nabuhayan ulit ng pag-asa at naniwala ulit na may mga magandang bagay pa talaga na pwedeng mangyari--mga bagay na di naman normal sakin. Nalulungkot lang akong isipin na lahat pala matatapos ng ganito kabilis at sa ganitong paraan.

Wag daw akong madamot. Isipin ko daw yung mga ibang tao na gusto akong maging "ok". Pahalagahan ko daw yung mga taong totoong nagmamahal sakin. Alalahanin ko daw yung mga "words of wisdom" na ibinibigay ko sa mga taong tumatakbo sakin dati kapag may mga problema sila. Lagi ko daw sinasabi na kailangan nating lumaban para sa sarili natin, yun daw ang dapat kong gawin ngayon. Akala talaga nila ganun ako kalakas, mali na naman ata sila.

Comments

Popular posts from this blog

Summary

Pagiging Single Mom

Walked Out