Posts

Showing posts from January, 2006

Pagiging Single Mom

Sinamahan ko yung pamangkin ko sa Barber Shop noong Linggo. May TV sila, At Home Ka Dito ang palabas. Si Jamilla ng PBB Teen Edition ang featured celebrity; yung single mom.Sa kalagitnaan ng palabas narinig ko yung comment ng isang lalake na tawagin na lang nating si Boy Bawang. Sabi niya, “Ok sana yan si Jamilla kaya lang nagpabuntis agad, malandi.” Gusto kong agawin yung gunting nung barbero para gupitin yung dila niya pero di ko naman kaya eh!Siguro nga ang pagiging single mom ay hindi naaayon sa prinsipyo ng moralidad na meron tayo dito sa Pilipinas. Alam nating mariing tinututulan ng Simbahan ang pre-marital sex. Bilang isang Katolikong bansa, malaki ang impluwensiya ng simbahan sa kung anong konsepto ng moralidad meron tayo bilang isang lipunan. Sa kabila nun, hindi sapat na gawing basehan ang pagiging single mom para husgahan ang pagkatao ng isang babae. Nakakalungkot dahil kadalasan, sa kanila nababaling lahat ng mapanghusgang tingin ng mga taong kung tawagin ay mga ipokritong