Posts

Showing posts from July, 2007

Bumalik ka na, please.

Yan ang tanong ko sa sarili ko, matagal na rin simula noong araw na pinili niyang lumayo, mainit daw yung sitwasyon noong mga panahon na yun. Inisip ko na babalik siya, naniwala ako na babalik siya; isa kasi siya sa mga taong pinapahalagahan ko, taong minamahal, kaya lang simula noong araw na yun, tila nawala na rin yung magandang pinagsamahan namin. Sa Sabado, birthday ko na. Masaya dapat ako eh, oo masaya naman talaga ako pero parang may kulang lang talaga...parang lang naman. Kung mabasa niya to gusto ko lang sabihin sa kanya, "bumalik ka na, please."