#451 Ang Puso, Bow
Ang puso
Tumitibok
Minsan nag-iisip
Minsan parang ugok
Humahanga
Nagmamahal
May oras na kinikilig
May oras na parang sinasakal
Ang puso
Nakakaramdam
Sumasaya
Nasasaktan
Kapag nasaktan
Ibig sabihin nasugatan
Internal bleeding
Patay tayo diyan
Ang puso
Kapag may hemorrhage
Nanlalamig
Parang nasa Ice Age
KEEP FROZEN
Baka mabulok
Kapag wala nang hemorrhage
Muling titibok
Comments