Paggising ko bukas, ok na ang lahat

Di ko alam kung ano nang nangyayari, nabibigla ako sa mga bagay bagay na dumadating, bigla na lang siyang nanahimik, di namansin at di man lang ako nabati ng Merry Christmas. Noong isang gabi lang ang lapit lapit niya sakin, I had her in my arms but now it seems she's someone my freaking heart wont ever reach. Di ko na alam kung anong nangyayari at ano pa ang mangyayari sa mga susunod na araw pero ito lang ang alam ko: maraming beses ko na siyang sinubukang kalimutan pero sa bandang huli, siya pa rin ang hinahanap ko. Malamang mamayang gabi di na naman ako makakatulog dahil sa pagiisip sa kanya, kung bakit nananahimik siya ngayon... bakit bigla bigla na namang nagbago... magiisip na naman ako at malamang lolokohin ang sarili na ayos lang ang lahat, na walang dapat ipagalala, na praning lang ako. Mamayang gabi, babangungutin na naman ako... habang gising. Bukas--bukas magbabago ang lahat, sigurado ako dahil ngayong gabi nalaman ko na sa sarili ko kung ano talaga ang gusto ko, sa unang pagkakataon pagkalipas ng maraming taon, naging sigurado na naman ako. Aminado akong di siya ang unang babaeng minahal ko, pero ikaliligaya ko kung siya na ang huli. Mananahimik muna ako, bilang paggalang sa pananahimik niya pero sa pananahimik na to patuloy ko siyang mamahalin, ng buong puso, na lalalamin ng husto sa paglipas ng bawat araw. Marahil may kasamang sakit subalit patuloy na yayakap sa pag-asa na magtatapos ang lahat sa maganda. Magiging maayos ang lahat, sigurado ako dun. May isang napakagandang bagay sa buhay ko ngayon-ang pagmamahal. Kaligayahan ang dapat idulot nito sakin. Nagmamahal ako, yun ang mahalaga. Magmamahal ako ng may katinuan at di ko hahayaan ang sarili ko na gumawa ng mga bagay na di katanggap tanggap sa iba at higit sa lahat, sa sarili ko. Mamahalin ko ang sarili ko habang minamahal siya dahil sa ganung paraan mas maibibigay ko ng husto ang pagmamahal na dapat kong ibigay. Mahal na mahal ko siya, yun lang ang alam kong tiyak sa ngayon.

Comments

Popular posts from this blog

Summary

Pagiging Single Mom

Walked Out