Sa Isip Na Lang

Hindi kita makasama Di man lang nga kita Makita Kaya dito ka na lang muna sa isip ko Wala naman sigurong masama Kapag kasi nasa isip kita Para na rin kitang kasama Siguro nga mukha na akong engot Pero di na yun mahalaga Dito ka na lang sa isip ko Hindi naman malalaman ng iba Kung ano man ang nararamdaman ko Sa sarili ko na lang muna Natatakot na kasi ako Ayaw ko na muna maging komplikado Baka kasi kapag pinag-usapan pa ulit nating Tuluyan ka nang lumayo at magbago Ayaw ko kasing magkagano’n Ayaw kong iwasan mo ako Kaya mabuti na yung ganito Dito ka na lang muna sa isip ko

Comments

Popular posts from this blog

Summary

Pagiging Single Mom

Walked Out