Buhay ICT

1am-9am—yan ang shift ko sa work ko ngayon sa ICT, hehehe! Ok lang, kasi para saan pa ang nagtrabaho ka sa call center kung di ka rin naman mapupunta sa graveyard shift? Well, sinubukan ko lang naman talaga tong field na to and so far, so good. Wala pa akong nagiging problema na pwedeng magtulak sakin na umalis sa ICT. Mabait mga tao dito…well, most of them, hehehe! Wala akong problema sa mga co-workers ko at maging sa mga superiors…lalo na sa mga QA, hehehe! Masaya din pala dito, oo masaya talaga. We’re calling for an outbound account kaya definitely graveyard talaga ang shift at walang dayshift, asa pa, pero wala akong reklamo sa graveyard shift…promise.

As I said, masaya ako dito ngayon, masayang masaya, hehehe! Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng bagong tropa (sumalangit nawa yung mga nauna kong tropa…patay na ata eh, hehehe!) Cool naman sila eh, maingay, buhay na buhay at higit sa lahat, marunong makisama.

Ano pa ba? Naku, all of a sudden bigla akong nablanko, gusto ko sana magkwento ng marami about this pero inantok ako bigla eh, hehehe! Tulog mode muna…

Comments

Popular posts from this blog

Summary

Pagiging Single Mom

Walked Out