Gaano Katagal ang Temporary?

in spirit of blogging, hayaan niyo akong ikwento to, hehehe!maaga akong nagising kasi may

lakad ako pero salamat na lang sa malakas na ulan ay muntik na akong di matuloy, buti na lang at huminto nung bandang 11am at sa wakas ay nakaalis din ako.sa shang ako pumunta nun, para makipag meet lang sa isang kakilala ng nanay ko; ako ang dakilang representative, hehehe!

pasado ala una nang matapos yung commitment ko, oo, ambilis talaga! wala akong mapuntahan kaya naman naisip kong dumaan sa annex@shaw, nandun kasi yung, ehem, kaibigan ko, hehehe!

sa ground floor ng building e may mini stop kaya dun muna ako tumuloy at lumagok ng C2 lychee flavor(na di masarap, yuck)dun na rin ako nagtext:

ako: ****, nakauwi knb? d2 aq ministop. gling aq shang e kya naicp q n dumaan d2, bka lng d kp nkuwi, chikhan muna tau, hehehe!

siya: teka! pababa na ako.

ako: okie

ok, ang cool nun, di ko inaasahan na makakapagreply siya but she did.

ilang minuto akong naghinay at yun nga! nakita ko siyang parating. nung makita ko siya nakarinig na naman ako ng weird na music-violin, harp, bells, whatever! basta alam ko napaka harmonious nung melody na yun, melody na ako lang ang nakakarinig, hehehe!

mahigit isang oras din kming tumambay sa mini stop at parang

nakisama naman yung panahon, bigla na namang umulan, ayun, nagkaroon siya ng reason para wag muna umalis agad.di ko na maalala kung ano yung mga napagusapan namin sa loob ng mahigit isang oras na yun, di ako makapagconcentrate eh, hehehe! pero ok lang, composed pa rin naman ako habang kausap ko siya at sana lang di niya nahalata na parang gusto ko nang sumabog deep inside, hehehe!

masaya ako.

pero lahat ng bagay nagtatapos- dapat magtapos.

hintid ko siya hanggang sa sakayan pauwi, nagpaalam (pero walang goodbye kiss, sayang, hehehe) at ayun, tapos na ang maliligayang oras.

lumingon siya sakin bago siya tuluyang sumakay sa jeep, sign na rin ng pagpapaalam. kumaway ako in response.

masaya ako.

alam ko temporary lang to, pero gaano ba katagal ang temporary? isang oras? isang magdamag? isang araw? ewan, ayaw ko nang malaman. siguro nga duwag lang talaga ako di na gustuhin pang malaman yung sagot sa tanong na yun, haay...

Comments

Popular posts from this blog

Summary

Pagiging Single Mom

Walked Out