Ang lahat ng bagay ay may simula at wakas. Ang mga bulaklak, gaano man kahalimuyak ay malalanta rin. Ang mga nagtatayugang puno, di maglalaon ay mabubuwal sabay sa panahon. Maging ang mga tala na nag-aalab sa kalawakan ay sasapit rin sa sarili nitong wakas at ito ay hatid ng hindi mapigil na takbo ng oras. Ang kasalukuyan ay ang kinabukasan ng nakaraan at nakaraan ng kinabukasan. Ang bawat bukas na ating inaabangan, sa isang kisap-mata ay mapapabilang na rin sa tinatawag nating mga araw na nakalipas. Ang bawat nagaganap sa ating buhay sa kasalukuyan, mabuti man o masama, malungkot man o masaya, ay magiging bahagi na lamang ng ating alaala sa oras na umusad ang panahon. Ang lahat ay magiging pawang alaala na lamang na marahil ay maaaring lingunin subalit kailanman ay din a maaaring balikan. Ang nakaraan ng isang tao ay may malaking papel na ginagampanan sa kanyang buhay subalit hindi tiyak. Maaari itong maging lakas na siyang tutulak sa kanya pasulong tungo sa kanyang mga pangarap at...
Comments