Reminded of Summer

The heat of summer reminds me of her coolness...bakit ba lagi ko siyang naaalala ngayon? Malamang dahil sa season, hahahaha! Inaantok ako pero di ako makatulog, mainit naman sa labas kaya dito na lang ako sa harap ng computer magmumuni-muni...

She's the girl whom I met two years ago...two summers ago if I may say. Let me take you back to the time when Multiply.com is still active with the power of ctrl+c and ctrl+v also known as copy-paste, hahaha!

May 6, 2008
...
Taga PUP din siya pero di na ako magbibigay ng iba pang detalye kasi di naman importante yung identity niya, mas mahalaga yung personality, naks!

Well, sa virtual world ko pa lang siya nakikita kaya naman mga utak pa lang namin ang nagkakatagpo, pero base sa mga pictures niya...hmmm, I can say na maganda siya but since I haven't met her in person, di ko masasabi na yun ang gusto ko sa kanya. I like her simply because of her wits, woot! Sobrang turn-on talaga ako sa mga babaeng matatalino pero hindi nerd.  Ganun kasi siya, smart pero cool na cool pa rin.  Kitang-kita yung trait na yun sa writings niya...poetry..essays, kahit sa mga blogs lang pansin mo na may sense magsalita yung tao sa likod nun, ehehe!  Kung ang skill ko sa pagsusulat e 4/10, siya siguro 8/10, doble ng sakin.

Wala akong maibabahaging kilig moments kasi wala naman kami nun, LOL. Walang ganun pero aaminin ko, sa tuwing may reply siya sa kung ano mang post o comment ko, natutuwa ako.  Natutuwa ako na sa kahit munting paraan napapansin niya ako.  She's aware of my existence.  Mataas ang tingin ko sa kanya.  It seems all I can do is look up at her, perhaps smile or wave sometimes, but the good thing is as I look up, smile and wave at her, she's looking, smiling and waving back at me, cool enough! She's a nice, nice girl.

Natatakot nga lang ako kasi baka sa mga susunod na buwan di na isya maging ganito ka-active sa network, may pasok na kasi sa school...oo kolehiyala siya, woot!

I love the rain pero ngayon nakakaramdam nga ako ng lungkot kapag umuulan, naiisip ko kasi na patapos na ang summer.  Baka pag tapos na ang bakasyon ng mga estudyante matapos na rin yung maliligayang araw ko dito sa virtual world with her, hehehe! Wag naman sana pero cool na cool lang ako ngayon. Live by the day, bahala na.  Handa ako na balang araw bigla na lang din siyang mawala sa circulation pero steady lang...wag masyadong seryoso, kasi ano man ang mangyari, nakatatak na siya sa isip ko hindi lang bilang isang babae kundi isang tao ng sobra kong hinahangaan.

Matatapos din ang summer pero di naman mawawala ang alaala, bow.

...


Part yan ng blog ko dati, natutuwa talaga ako kapag nababasa ko yung mga sinulat ko dati...


Few weeks after that nagkita kami, enrollment sa PUP at napagusapan namin na ang haba ng pila kaya ginamit ko yung ehem, influence ko sa isang PUP employee who happened to be my bestbud's mother, hahaha! Sabi ko ipapakisuyo na lang namin yung regi niya sa pagbabayad and so it was done. 


When I first saw I was like....DAMMMMNNN! SHE'S SO AWESOME!!! Hahahaha!


Ano na nga ba nangyari after that...I think few a month after nagkita ulit kami, by force...hahaha, paiyakan lang pero I was able to convince her to have late snack with me...sa Chowking, hahaha! That was the 2nd and last time na nagkita kami....selective memory ko kaya di ko na maalala/ayaw ko na maalala yung mga sumunod na nangyari, LOL.


Fast forward to present...


She's has graduated from college and she's now one helluva busy girl. Nakakausap ko pa rin kahit papaano sa FB...sa text din medyo medyo...sobrang rare I mean, but I will always remember that one summer in my life, I met a girl who "knocked me off my feet", hahaha!


I have more stories about her pero medyo sinumpong na ako ng antok...next time na lang, LOL.

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together