Kagat ng Langgam

“Nye nye nye nye nyeee,di naman masakeeet!”Malamang narining mo nay yang dialougue na yan dati, yun e kung isa ka sa mga bata na nakinabang sa Vitamin D na hatid ng sikat ng araw at nagsunog ng libu-libong calories sa pakikipaglaro ng ma-touch taya, tumbang preso, block 123, luksong tinik, langit-lupa, etc.Naalala ko, dati naglalabang kami ng teks, may isang bata na umapak sa pamato ko. sa pag-iisip kong malas sa laban yun, sinigawan ko yung batang yun pero sa halip na mag-sorry siya, inapakan pa niya ulit. naasar ako kaya binangasan ko siya. umatras yung bata at biglang nagsabi, “nye nye nye nye nyeee, di naman masakeet!” pagkasabi niya nun, bigla na siyang tumakbo palayo. kinatiyawan ako ng mga kaibigan ko, an ghina ko daw sumapak. ang totoo, bumilib ako dun sa batang yun kasi di siya umiyak nung sinapak ko siya at di man lang nasaktan pero nawala agad yung pagka-elibs ko nung nakuwi na ako. Pag-uwi ko kasi ginulpi ako ng nanay ko. Ang sabi niya(pasigaw), pumunta daw yung kumara niya at sinumbong ako, iyak daw ng iyak yung anak niya, sinapak ko daw kasi. Anak ng inaamag na buko pie naman oh! Akalain mo naloko ako pero ok lang, dahil naman sa panggugulpi ng nanay ko, na-excuse ako sa P.E. namin dahil na rin sa pilay ko sa left arm, ang baduy kasi ng P.E. namin nung Grade Four eh, hehehe!Anyways Robinson’s Place, makalipas ang mahigit isang dekada, napatunayan ko na di lang pala mga bata ang gumagawa nun. Oi ang tinutukoy e yung pagpapanggap na di nasaktan ah. Ngayon ko lang naisip, imagine this sitch:Boy: Mahal mo ba ako?Girl: OoBoy: Higit pa sa kaibigan?Girl: HindiBoy: (humihikbi-hikbi)Girl: Umiiyak ka ba?Boy: (tatayo) Nye nye nye nye nyeee, di naman masakeet!Ang sagwa diba? Tapos na ang warm up, seryoso na.Ako man may pagkakataon na nagpapanggap na di ako nasasaktan. Naalala ko(ulit), may pinagdaanan akon gminor operation kung saan hindi ako binigyan ng kahit anong anesthesia. Yun yung minor operation na exclusive lang sa mga lalake. Ang sabi sakin parang kurot lang daw yun pero putong may itolog na maalat! Ang sakeeet! Paglabas ko sa room tinanong ako nung kaibigan ko na susunod sakin kung masakit daw. Siyempre sabi ko hindi. Naka-krus yung daliri ko nung sinabi ko yun.Bakit nga kaya may mga pagkakataong ayaw nating aminin na nasasaktan tayo? May mga dahilan akong naiisip. Una na siguro yung pride. May konsepto kasi tayo na ang mahihina lang ang nasasaktan at ayaw nating mabansagan na mahina. Ayaw nating Makita ng ibang tao na nasasaktan tayo-machismo. Pangalawa siguro yung self-denial. Ayaw nating aminin sa sarili natin na nasasaktan tayo. Maihahalintulad ko to sa defense mechanism na “sour grape, sweet lemon technique”. Mas mahirap yun kasi di lang ibang tao ang niloloko mo, pati sarili mo pa at hindi cool yun. Pangatlo at huli na muna sa ngayon, nagpapanggap tayong hindi tayo nasasaktan sa kadahilanan na ayaw nating maksakit. alam naman natin na kapag nasasaktan tayo, higit na nasasaktan yung mga taong nagmamahal satin. Dahil dun, pinipilit nating maging ok, pinipilit nating maging masaya. Ginagawa natin yun dahil na rin siguro sa pagmamahal natin sa kanila o kaya naman para na rin pasalamat sila sa binibigay nilang pagmamahal. Meron pa, medyo kahawig nga lang nung huli, minsan kasi ayaw nating bigyan ng guilt yung taong nanakit satin lalo na kapag mahalaga yung taong yun para satin.Haay, pero sa huli, ano man ang dahilan natin sa pagpapanggap, pagkatapos ng araw, haharap din tayo sa sarili natin sampu nung mga sakit na yun. Kailangan nating harapin yung sakit kung gusto natin yung malampasan. Alam ko yun ang dapat pero sa ngayon, hayaan niyo munang sabihin ko, “nye nye nye nye nyee, di naman masakeeet!”

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together