Ako Siguro Ang Gago
tulad ng iba naniniwala rin ako na di nakakamatay ang pagiging heartbroken pero gaano nga ba kalaki ang pwedeng maging damage nun? depende siguro sa sitwasyon. parang ganito, 10-20 pesos lang ang halaga ng mineral water sa city pero sa disyerto, halos buhay na ang katumbas nun.paano kung nasa sitwasyon ka na wala nang natitira sayo? yung wala ka nang matakbuhang kaibigan at pamilyang masandalan... yung lahat ng pangarap mo naisuko mo na at nawalan ka na ng pag-asa. paano kung sa ganung panahon dumating ang... ehem.. pag-ibig? nagmahal ka at naramdaman mo na minahal ka rin.ang saya nun. mabubuhatyan ka ulit. mararamdaman mo na hindi ka nag-iisa. maiisip mo na may halaga ka pa pala. babalik ulit yung tiwala mo sa sarili. matuto ka ulit mangarap. pero paano kung di pala totoo ang lahat? paano kung di pala pagmamahal ang nararamdaman niya sayo? masakit tama? mawawala ulit yung tiwala mo sa sarili mo. babagsak ulit ang mga pangarap. alam ko, nangyari sakin yun.dumating siya sa punto ng buhay ko kung kelan pakiramdam ko wala na... naghihintay na lang ako ng pagkakataon... BANG! aalis na ako kaya ang laki ng pasasalamat ko. akala ko magiging maayos na ang lahat pero mali pala... di pala niya ako mahal... malay ko ba.. e yun ang naramdaman ko eh.malas! sobra akong nasaktan. para akong pinagtripan ng pagkakataon, mamamatay na lang ako binigyan pa ako ng CPR tapos papatayin din pala ulit. kainis. sa kanya lang ako nakakapit, siya na lang yung last light ko kaya sobra akong nasaktan. pero ganun siguro talaga, may mga ipinapanganak na gago, at isa ako dun.gusto kong tumayo pero di ko magawa, kailangan ko ng tulong, mahina ako eh.. tulong na sa tingin ko di ko na makukuha. bahala na kung saan ako mapunta...pero sa totoo lang... mahal ko pa rin siya... haayz
Comments