Nagulat ako nung nakita ko yung laman ng ATM ko kanina. Nakuha ko na yung 13th month pay ko kaya di ko inaasahan na ganun ang makukuha ko. Siya agad yung pumasok sa isip ko, tinext ko agad siya…

“Wow! Dinner tayo, treat ko…”

“Di ako pwede, sorry…”

Wasted. Frustrated. Turned down. Rejected.

Ilang sandali ko din tinitigan yung malulutong na paper bills na galing sa machine, iniisip ko kung anong gagawin. Naiinis ako. May panggastos ako, pero di ko pa rin magawa yung gusto ko. Naisip ko tuloy, sana pera-pera na lang ang lahat, sana kahit kaligayahan pwedeng bilhin ng pera…back to reality.

Pumunta ako sa mall, bumili ako ng libro, isang Sidney Sheldon, isang Stephen King at ang pinakagusto ko, isang Robert “Bob” Fulghum book. Lahat hardbound, wala akong pakialam kahit mahal.

From bookstore I went to American Blvd, sa Pilipinas pa din yun, store yun ng damit, you know. Bumili ako ng shirt, shit, naisasanla ba yung mga damit dun? Bumili pa din ako kasi di naman para sakin yun, gift ko sa pamangkin ko, birthday niya sa 31st.

Next stop, mercury drug, bumili ako ng gamot ni nanay, good for more that a month. Medyo nagulat yung pharmacy assistant sakin, akala siguro magtatayo na ako ng sarili kong botika.

Paubos na dala kong pera, oras na para kumain. Pizza hut , KFC at McDo-lahat yan kinainan ko sa isang gabi, nagpapakabusog, dun ko idinaan lahat ng frustration ko para sa araw na to. Masarap ang mga pagkain, pero di masarap kumain mag-isa.

Di ko alam kung magkano nagastos ko ngayong araw, nagtabi lang ako ng kaunting allowance at lahat ng natira ibinigay ko na sa nanay ko. Ngayon, wala na akong extra money, wala nang maguudyok sakin na magyaya ulit . sana lagi na lang akong walang pera, sa tuwing magkakapera ako ibigay ko na lang sana agad sa nanay ko para wala na, pero minsan natutukso pa din akong magtabi ng para sa sarili ko.

Buti pa dati, madalas kaming magkasama, sweet pa siya sakin at never niya ako nirereject. Kahit puro window shopping lang kami, kahit minsan siya pa nanlilibre sakin, kahit minsan nakakahiya na kasi kahit halu-halo sa chowking di ko siya mailibre. Buti na noon, kahit wala akong pera, masaya ako.

Ngayon, putang ina may pera nga, siya naman ang wala. Ngayon kahit sa Hotel pa kami kumain pwedeng pwede, pero wala eh… wala na talaga.

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together