Nawala ang lungkot at pangungulila na nararamdaman ko noong nagdesisyon akong ipagwalang bahala ang anumang emosyon kabilang na ang tuwa, galit, takot at iba pa.
Oo nga at hindi ako malungkot subalit hindi pala ako makukuntento sa ganon; gusto ko ring sumaya.
Paano?
Wala akong ideya kaya nagdesisyon nalang ako na hiramin ito mula sayo.
Hhiramin ko ang kaligayahan na sayo ko lang nararamdaman-ang klase ng kaligayahan na marahil ay hindi magiging sa akin.
Salamat. Salamat sa oras na ibinigay mo sa akin noong gabing iyon. Natuwa akong tumingin-tingin ng mga laruan sa Toy Kingdom, pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata kahit sandali lang. Fried chicken, pizza, pasta, potatao chips at garlic bread ay hindi na rin masama para sa isang hapunan. Isang tila perpektong kaligayahan ang naramdaman ko. Hanggat’t maari ay hindi kita tinginan dahil gusto kong maramdaman na nandito ka hindi lang dahil sa nakikita ng mga mata ko na nasa tabi kita, kundi dahil nararamdaman ng puso ko na nasa malapit ka lang. Ayaw ko sanang magtapos ang gabing iyon. Gusto ko pa sanang ipahiram mo sakin ang kaligayahang ito nang mas matagal pa subalit hindi maari. Sa paglalakad pauwi ay inihahada ko na ang sarili ko na isauli yun sa iyo-ang kaligayahang nararmadaman ko. Unti-unting nawala ang ngiti, nabawasan ang sigla at bumalik sa normal na bilis ang tibok ng puso ko. Isasauli ko na sa iyo, ilang sandali na lang subalit parang hindi ka na makapaghintay na bawiin yun sa akin.
“Diyan siya oh!”, sabi mo sabay turo sa gusali kung saan pumapasok ang isang tao na hinding-hindi ko gugustuhing pumasok sa isip ko noong gabing iyon-ang nobyo mo. Namuo ang luha ko subalit hindi sa gilid ng mga mata kundi sa puso. Sinbukan ko muling balewalain ang sakit subalit sa pagkakataong iyon ay hinid ko nagawa. Ilang minuto pa tayong nagkasama. Gusto kong hawakan ang mga kayay mo, yakapin ka at halikan tulad ng dati subalit di ko ginawa dahil alam kong hindi dapat. Nawalan ng saysay ang lahat. Alam ko dito naman talaga mauuwi ito.
Tuluyan ka nang nagpaalam at nawala sa paningin ko. Iginapos ako ng pag-iisa habang sinusubukang patayin ng kalungkutan ang kakayan kong makaramdam. Napaka hirap na proseso ang kailangang pagdaanan upang maging manhid sa sakit.
Nagtatangka ang ulap na lamunin ang liwang ng buwan. Tila madamot ang ulap. Hindi ba nito alam na hinram lamang ng buwan ang liwananag nay un mula sa araw at ilang sandali lang ay isasauli din?
Unti-unti nang namamatay ang kakayahan kong makaramdam at ang sulating ito ang senyales ng paghihingalo
Comments