Mabuti Pa Dati
Nagulat ako nung nakita ko yung laman ng ATM ko kanina. Nakuha ko na yung 13 th month pay ko kaya di ko inaasahan na ganun ang makukuha ko. Siya agad yung pumasok sa isip ko, tinext ko agad siya… “Wow! Dinner tayo, treat ko…” “Di ako pwede, sorry…” Wasted. Frustrated. Turned down. Rejected. Ilang sandali ko din tinitigan yung malulutong na paper bills na galing sa machine, iniisip ko kung anong gagawin. Naiinis ako. May panggastos ako, pero di ko pa rin magawa yung gusto ko. Naisip ko tuloy, sana pera-pera na lang ang lahat, sana kahit kaligayahan pwedeng bilhin ng pera…back to reality. Pumunta ako sa mall, bumili ako ng libro, isang Sidney Sheldon, isang Stephen King at ang pinakagusto ko, isang Robert “Bob” Fulghum book. Lahat hardbound, wala akong pakialam kahit mahal. From bookstore I went to American Blvd , sa Pilipinas pa din yun, store yun ng damit, you know. Bumili ako ng shirt, shit, naisasanla ba yung mga damit dun...