Pagkadarang
Pagtangi, pag-ibig
nagliliyab na damdamin
nakakadarang
subalit nakakaakit
para sa isang pusong
ligaya ay di nasilayan
pagsamo, panalangin
daluyan ng pag-asa
paglapit sa 'yo
isang pangarap na nabubuhay
bawat pintig ng puso
hatid ay pag-asa sa katuparan
ikaw ay iniibig
nagsusumamong damdamin
ako'y nadadarang
isang pagsintang di na mapipigilan
palalayain ang damdamin sa pag-asang
ito ay diringgin
teka, gets mo na ba gusto kong sabihin?
dumudugo na kasi ilong ko
ang hirap kaya maging poet, duh!
kung di ka lang malakas sakin :D
basta labs na labs kita
peksman walang bola
Comments