Posts

Showing posts from November, 2006

Misunderstood

its so hard to be misunderstood, isnt it? darn my heart breaking at this very moment. haay, ang hirap ng ganun, yun bang alam mong wala kang ginagawang masama pero karamihan kung hindi man lahat, masama ang tingin sayo na para ka bang kriminal. tinatanong ko ang sarili ko, meron bang mali sakin? kung meron, ano? lahat? di ko alam. insensitive daw ako at narrow-minded. dapat daw matuto akong sumabay sa agos... that's it, sa tingin ko di nga talaga nila ako maiintindihan. nasasaktan ako, sobra. just when you thought na nakakita ka na ng community kung saan ka nabibilang, bigla mong malalaman na masama rin pala ang tingin ng mga tao dun sayo. ano bang mali sakin? napakatanga ko para di yun malaman, haay...

Going Overboard

sobra na.. may mga taong ayaw ko talagang patulan pero minsan lumalagpas na sila sa linya nila, they're going overboard. nakakainis kasi in the first place, di naman sila involve sakin at i dont have any beef on them as in wala naman talaga kaming koneksiyon... nakakainis pero timpi lang... nagtitimpi lang talaga ako pero kung di ko na makaya, might as well patulan ko na, sana lang di na umabot sa ganun kasi i really feel it isnt worth it

Regrets

haay, balot ako ng pagsisisi ngayon. alam mo yun, may isa kang bagay na gustung-gusto pero nung dumating yung araw na pwede na yung magkaroon ng katuparan, tulog ka sa pansitan. naiinis ako sa sarili ko, inis na inis na inis. bilang parusa, di ako manonood ng tv for one whole week!

Hantungan Ng Kasalukuyan

Image
Ang lahat ng bagay ay may simula at wakas. Ang mga bulaklak, gaano man kahalimuyak ay malalanta rin. Ang mga nagtatayugang puno, di maglalaon ay mabubuwal sabay sa panahon. Maging ang mga tala na nag-aalab sa kalawakan ay sasapit rin sa sarili nitong wakas at ito ay hatid ng hindi mapigil na takbo ng oras. Ang kasalukuyan ay ang kinabukasan ng nakaraan at nakaraan ng kinabukasan. Ang bawat bukas na ating inaabangan, sa isang kisap-mata ay mapapabilang na rin sa tinatawag nating mga araw na nakalipas. Ang bawat nagaganap sa ating buhay sa kasalukuyan, mabuti man o masama, malungkot man o masaya, ay magiging bahagi na lamang ng ating alaala sa oras na umusad ang panahon. Ang lahat ay magiging pawang alaala na lamang na marahil ay maaaring lingunin subalit kailanman ay din a maaaring balikan. Ang nakaraan ng isang tao ay may malaking papel na ginagampanan sa kanyang buhay subalit hindi tiyak. Maaari itong maging lakas na siyang tutulak sa kanya pasulong tungo sa kanyang mga pangarap at...

Rejected

oo rejection! na-reject na rin ako dati pero ito na yata yung pinaka-masakit. ito ang kwento: nasa isang delikadong sitwasyon kami ng pamilya ko ngayon, di naman sa exaggerated pero delikado talaga ang buhay namin. di ako sigurado pero malamang ako rin nangaganib na matigok anytime. i dont want to take chances, baka mahuli na ang lahat kaya naman naisip kong makipagkita sa isang special na tao pero siguro di pa ganun kalaki ang tiwala niya sakin-di siya pumayag. nasaktan ako pero naiintihan ko naman siya eh! nalulungkot lang ako at natatakot kasi baka di na ako magkaroon ng sunod na pagkakataon.

Pagkadarang

Pagtangi, pag-ibig nagliliyab na damdamin nakakadarang subalit nakakaakit para sa isang pusong ligaya ay di nasilayan pagsamo, panalangin daluyan ng pag-asa paglapit sa 'yo isang pangarap na nabubuhay bawat pintig ng puso hatid ay pag-asa sa katuparan ikaw ay iniibig nagsusumamong damdamin ako'y nadadarang isang pagsintang di na mapipigilan palalayain ang damdamin sa pag-asang ito ay diringgin teka, gets mo na ba gusto kong sabihin? dumudugo na kasi ilong ko ang hirap kaya maging poet, duh! kung di ka lang malakas sakin :D basta labs na labs kita peksman walang bola

Hangguyo

hangguyo hangguyo! hangguyo mo David! Hanngang kelan ba ako maguguluhan ng dahil sa... lab na yan?! Hehehe! oo naguguluhan ako to the point na parang ayaw ko na lang isipin but i really feel the need to be next to her... haaay...