Pahiya
sabado, 2 sana ang plano kong gawin, kumain ng popcorn habang nanonood ng sine o kaya naman manood ng sine habang kumakain ng popcorn. naisip kong isama yung kaibigan ko kaya naglogin ako sa YM para makausap siya pero sa intro pa lang sopla na kaagad. tinanong ko siya kung may lakad siya after work, wala daw pero matutulog siya ng maaga. makikipagkompetensiya ba ako sa comfort na ibibigay ng kama niya? naisip ko na wag na lang. isang sad face na emoticon lang ang naisagot ko. sabi ko never mind. ang nakakatawa, binantaan niya ako na lalabas daw yung kamay niya sa monitor at sasampalin ako kapag di ko sinabi. naalala ko tuloy si sadako. kahit tinakot niya ako, di ko pa rin sinabi ung plano ko... plano na nanantili na lang na plano.yun ang unang kamalasan, ito yung pangalawa: dahil wala na akong nagagamit na cel ngayon, naisip ko na baka pwede ko na lang siyang tawagan kahit paminsan-minsan lang sa landline. tinanong ko kung pwede pero di siya pumayag... indirect yung sagot niya pero yun na rin yun eh! napahiya talaga ako. maluha-luha tuloy akong nag-sign out sa YM dahil sa hiya at siyempre lungkot na rin.di na rin natuloy yung plano ko. nakakainis lang, once in a blue moon lang ako makaisip at maging capable na manlibre, purnada pa! worst, napahiya pa ako. siguro one week akong di magbubukas ng YM pero matiis ko kaya? haaay, buko pie mode!
Comments