Isang Pagtawag
bumangon ka na juan
hahayaan mo bang amagin na lang ang buko pie
patuloy sa pagtakbo ang oras
di ito hihinto at maghihintay
isa pa, tumatangis na ang iyong bayan
dinggin mo ang kaynyang pagususumamo
humihingi ng pagmamalasaki
tumaasa sa kahit kaunting pagbabago
mga ginintuang aral at kultura
tila naipit na lang sa pahina ng mga aklat
mga tinatayang pag-asa ng bayan
masdam mo kung saan sila iminumulat
mga baluktot na katwiran at paniniwala
sa lipunan na tila isang masukal na gubat
naghahari ang siyang malalakas
sinasamantala ang mga salat
masdam mo ang iyong mga kababayan
habang itinatapon ang kaayusan at disiplina
maging hiya sa kanilang mga sarili
tuluyan nang ipinag-walang bahala
isang masama at nakahihilakbot na kultura
nagbabadyang lumamon sa iyong bayan
kultura ng karahasan at pagkagahaman
kumilos ka at huwag itong hayaan
bumangon ka na juan
magsilbi kang tanglaw sa kadiliman
tulad nina red one, green two, blue three, yellow four at pink five
ipaglaban mo ang katiwasayan at katarungan
simulan mo sa iyong sarli ang pagbabago
wag nang ibaling ang sisi sa iba
may mga oras nang nasayang
subalit di pa naman huli, hindi ba?
kaya tumayo ka na juan
ano pa ba ang iyong hinihintay
maswerte ka nga at sumikat pa ang araw
hahayaan mo pa bang amagin ang buko pie?
_______________________________
alay sa lahat ng mga juan dela cruz, juan tamad, don juan pacundo at mga mahilig mag-juan, two, three. bayad muna bago baba.
Comments