Minsan Ok Na Ang “Ok Lang”

Tinanong ako kanina nung kaibigan ko kung kamusta na ako, parang auto-response na yung “ok lang”. Akala ko yun na yun pero may follow up pa pala, biglang nagtanong ng, “gaano ba ka-ok ang ‘ok lang’?” Bigla akong natigilan. Bakit ba kasi may mga taong medyo mas mausisa pa sa pangkaraniwan, pero gaano nga ba talaga ka-ok ang “ok lang”? OK lang na nakakatulog ka pa sa gabi at gumigising sa umaga. OK lang na kapag nagutom ka may pagkain pa sa mesa at pag wala naman, may pera ka sa bulsa na pambili. OK lang na pag wala kang magawa, may dvd player ka at pc na mapaglilibangan. OK lang na pag nalulungkot ka, may mp3 collection ka ng Pantera, Sepultura, Metallica, Slayer, etc. OK lang naman. Ok lang. Minsan ok na talaga yung “ok lang”. Mas ok nga lang sana kung…wag na nga lang.

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together