Ligo Lang Ang Katapat
Sa tuwing naaalala ko yung mga pagkakataon kung saan sinasabi niyang mamamatay na siya kakatawa, kahit papaano natutuwa na din ako. Minsan ang memorya ng tao e limitado lang sa mga gusto nyang maalala. Minsan talaga dumadating sa buhay natin na may mga taong mawawala na talaga sa circulation. Mahirap lang kapag nasanay ka na at parte na sila ng pang araw-araw mong buhay. Ang hirap lang kung minsan kasi para kang babalik sa pagiging sanggol na nag-aaral magsalita, maglakad at maglaro ng Gameboy. Ewan ko ba kung ako lang nakakaisip nito. May mga pagkakataon na pakiramdam ko may mga bagay akong kailangang gawin para makaraos sa isang sitwasyon, pero pag nalaman ng ibang tao yung sitwasyon na yun, kadalasan sasabihin nila na either kain, ligo o tulog lang ang katapat nun. Ayos.
Comments