Miss Ko Na Magsulat
Oo, siguro nga wala talaga akong talent sa pagsusulat, di ko naman kasi talaga linya ang language and arts, pero nakakatuwa talaga kapag nakakatanggap ako ng kaunting compliment from my readers. Oh well, the mere fact na may nagtiyaga magbasa sa sinulat ko e nakakatuwa na talaga.
Namimiss ko na tuloy magsulat. Hindi na ako magawa ng poetry ngayon, ewan ko ba kung bakit. I miss having something to write on, having someone to write for. Natutuyo na yung tinta ng ballpen ko, marupok na rin yung papel na sinusulatan ko, hindi ko na alam kung kelan pa ulit ako makakapagsulat. Dati halos araw araw nakakagawa ako ng atleast isang poem, kahit walang artistic value, atleast gawa ko, hahaha! Pero ngayon, lagi na lang akong hanggang first stanza, yung last poem ata na nagawa ko e para pa dun sa birthday nung kaibigan ko, that was Feb 6, ano'ng petsa na? Haaay...
Gusto ko magsulat...gusto ko magsulat para sa "kanya", pero di ko magawa, nakakatakot kasi, baka makita ko na lang yung sarili ko na sinasabi yung mga bagay na di ko maamin sa sarili ko, para kasi akong sinasapian kapag may hawak na panulat, ewan ko ba, autistic nga ata talaga ako.
Pero miss ko na talaga magsulat. Miss na miss ko na.
Comments