Empty Station
Matagal kong hindi ginawa to. Kunyari busy ako sa trabaho tuwing gabi at busy naman sa pagtulog tuwing umaga. Kunyari din busy ako sa pagbabasa kaya di na ako masyadong nakakapagsulat, pero ngayon parang nagpupumiglas na yung ballpen ko. Nagsimula na naming mag-jamming yung mga demonyo na gumugulo sa utak ko at kailangan kong magsulat para patahimikin sila. Sa tingin ko sapat na ang humigit kumulang 4 na buwan para maituring ko siyang kaibigan. Nakatutuwang isipin na may mga tao na madali mong makakagaanan ng loob kahit sa sandaling panahon lang pero ang masakit, madalas sila pa yung mga agad na napapalayo sayo. Hindi na ako uupo dun sa station kung saan kami nakapwesto noong huling 3 araw niya dito sa account namin. Lumipat na sila ng ibang program, nakakalungkot. Mabilis daw talaga ang pacing ng buhay sa call center, parang sa isang iglap lang pwedeng may malaking pagbabagong mangyari. Nagulat talaga ako sa balita na lilipat sa sila ng account, aaminin ko nalungkot talag...