Dont Ask For More
Minsan kailangan matuto na lang tayo mag-settle sa kung anong ibinibigay ng sitwasyon. Wag na natin sundin yung sinabi sa logo ng Pepsi na "ask for more".
Iniligtas ako ng shades ko, malamang, di lang ako sigurado. Nagawa ko siyang titigan habang magkasabay kami sa jeep pauwi, este, pauwi sa bahay nila, dumaan lang ako para kunin yung ilang books. Habang pinagmamasdan ko siya parang di ko maalis sa sarili ko na magtanong, halos isang dekada na pero nandiyan pa din siya o nandiyan na ba talaga? Nakakatawang isipin, sabi nila puppy love lang daw yung naramdaman ko, pero siguro pagkalipas ng sampung taon, yung puppy na yun adult dog na, hehehe! Ewan ko ba..
Habang kasama ko siya di ko maisip kung bakit nandito pa din ako-gumagawa ng paraan para di siya tuluyang mawala at tuluyang maging part ng past, yun bang kapag narinig ko yung name niya e ang papasok agad sa isip ko e yung salitang “memory”. Ayaw ko nun. Gusto ko part pa din siya ng present ko…at malamang kagaguhan lang pero gusto ko rin sana na maging part siya ng future.
Sa tingin ko naging unfair ako kasi kahit noong mga panahon na may girlfriend ako at alam ko sa sarili ko na may mahal akong iba, part of me is still longing for her. Siguro tama na to, tama na na nalaman ko at tinanggap yung mga kagaguhang nagawa ko dati. Panahon na siguro para harapin kung ano talaga yung totoo at itama ang lahat.
Two night s ago I said “I love you” through text lang dahil maraming beses ko na rin namang nasabi sa kanya yun, at itinapat kong tulog siya para di makapagsend ng reply in real time. Alam ko kasing walang patutunguhan yun kahit sabihin ko pa, mapapahiya lang ako. Naging unfair ba ako sa girl na yun, especially now that I realized and accepted the fact na…na…di pa rin nawawala feelings ko para sa first love ko? I don’t think so, ano naman sa kanya kung may mahal akong iba? She won’t even give a damn, hehehe!
Past is past, yan ang sinasabi ng lahat at kapag ang isang tao daw e kumakapit sa alaala, stuck daw siya sa past. Ganun ba ako? I also don’t think so. Hindi ko stuck sa past, hopeful lang ako para sa future. Sana balang araw…sana balang araw… may patunguhan din tong feelings ko for her na di ko man napansin, e inalagaan ko sa loob ng halos sampung taon. Siguro kailangan ko nang tanggapin na sa huli, siya lang talaga ang babae na kaya kong mahalin. Ganun siguro talaga ang buhay, it’s not always a matter of choice.
Kapag kasama ko siya, kausap ko kahit maisip lang, iba talaga nararamdaman ko, shit!
Comments