Now Im A Full Blown Idiot

Haay, now I'm congratulating myself, I'm now a full blown stupid idiot.

Die David, die!

Ewan ko ba kung bakit ganito...naiinis ako, naiinis talaga, inis na inis!

12mn-9am ang duty ko kanina sa work pero sa halip na umuwi at bumawi ng tulog, tumuloy ako sa workplace niya... di ko din alam kung bakit, siguro I just felt the want to see her. I waited for FIVE HOURS, yes 5 freaking hours. Di naman nasayang yung paghihintay na yun kasi nakita ko naman siya, like before; nakasama...nakausap...niyaya pa nga niya ako maglaro ng badminton. Hindi nasayang yung paghihintay ko...yun ang akala ko.

Dumating na yung time na kinatatakutan ko-ang sampalin ng realidad.

Sa gitna ng pag-uusap namin isang lalake ang dumating, she then said, “Oh hi baby” then the kissed.

Shit! Shit! At isa pang shit!

Nanlamig yung buong katawan ko. Gusto kong isuka yung puso ko na biglang nadoble yung bilis ng tibok.

Shit! Shit! At isa pang shit!

Panandalian akong natigilan yet I did my best to stay composed. Di ako nagpahalata ng naapektuhan sa nakita ko. Tiniis ko na huwag mag-walk out. I stayed for few minutes para di halata, nakipagkwentuhan...NAGPAKAPLASTIK. I kept the pain but when it reached the point when it's about to explode deep in me, I made the best decision-to piss off.

Muntik akong masagasaan ng taxi, nabangga ko rin yung isang taong nakasalubong ko, natalisod din ako habang naglalakad; lahat to nangyari kasi wala ako sa sarili ko habang naglalakad palayo sa lugar na yun. Gusto kong tumakbo ng mabilis na mabilis papunta sa malayong malayo.

Ang sakit sakit. Ang sakit sakit talaga.

Ang tanga ko. Bakit ba pumasok sa isip ko na sa pagkakataong to may pag-asa na ako sa kanya? Bakit pumasok sa isip ko na sa pagkakataong to may magagawa na ako. I believe that I'm now better that who I've been. This is the best state that I've been pero wala pa rin, ganito pa din yung ending.

Shit! Shit! At isa pang shit!

Text mo ako pag may sweldo ka na huh!” Yan yung huli niyang sinabi sakin, therefore magkikita pa ulit kami pero pabiro lang siguro...oo pabiro lang yun, ngayon alam ko nang biro lang yun.

Haay, I want to stay composed. I want to stay sane. I don't want to lose my focus. I have my goals. I regained my will to live. Ayaw kong masayang tong momentum ko pero talagang mahina ako eh, mahinang mahina... mahinang mahina.

There's just one thing worth saying now: “Thus with this blog, I say goodbye.”

NEXT TIME-sana meron pa, sana meron pa.

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together