Hafee
Bakit kaya ganun? May mga bagay na kahit alam nating di naman magtatagal e gusto pa din natin, sumusugal pa din tayo, di natin iniisip yung mga posibleng mangyari pagkatapos nun dahil sa isang simpleng dahilan-gusto natin maging masaya.
Kasama ko siya kanina, oo, kanina. May dahilan yung kung bakit ako nakipagkita sa kanya, alam ko kasing isa siya sa matinong makakausap tungkol sa ilang issues na meron ako ngayon at di nga ako nagkamali.
Oo, may dahilan kung bakit ako nakipagkita sa kanya…pero yun nga ba ang dahilan kung bakit ako nakipagkita? Tanong ko yan sa sarili ko ngayon, gusto ko kasing maintindihan tong sarili ko. Di nga kaya ako mismo ang naghahanap o gumagawa ng dahilan para Makita siya? Possible.
Sabi ko kanina bago kami maghiwalay, “baka di na tayo ulit magkita, may work na ako sa Monday” sagot niya, “ang lapit lapit lang ng workplace mo dito ano ka ba?”
Next time-siguro nga marami pa talagang next time…mga next time na malamang ay gagawan ko ng paraan para mangyari, mga next time na piplitin kong mangyari.
Gusto ko siyang makita at makasama ulit, makita at makasama ng mas madalas kasi dun ako masaya eh. Masaya ako kapag kasama ko siya kahit di ko alam kung hanggang kailan yun, kung hanggang saan at kung paano matatapos.
Nakakatakot. Natatakot talaga ako pero ano naman yung takot kumpara sa saya?
Comments