Bakit Ngayon Lang?
Kung babatiin ko siya ng Happy Fathers’ Day ay malamang tatanungin niya ako kung bakit ngayon lang. Yan ang nasa utak ko kaya naman sa tuwing haharap ako sa puntod niya ay hindi ko siya magawang batiin kahit sa isip lang. Pero bakit nga ba ngayon lang? Bakit hindi noong mga panahon na gumigising siya ng madaling araw para ihanda ang mga kakailanganin ko sa eskwela, noong mga panahon na halos makuba siya sa paghahanapbuhay maibigay lang ang mga pangangailangan ko, noong mga panahong iniligtas niya ako mula sa galit ni Nanay, noong mga panahong inaaliw niya ako sa mga kwento niya, noong panahon na nabubuhay pa siya? Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao sa oras na mawala siya sa’yo. Pinaniniwalaan yan ng marami subalit hindi ako. Alam ko ang halaga niya sa akin. Isang bagay lang ang hindi sumagi sa mura kong isipan noon at iyon ang katotohanan na kahit anong oras ay maari siyang agawin ng kamtayan. Hindi ko pala hawak ang pagkakataon. Biglaan ang naging pagpanaw...