Pangarap at Ilusyon sa Kusina
Noong bata pa ako gusto ko maging piloto. Di ko maalala kung bakit. Siguro naadik lang ako sa mga technicolor superheroes lalo na sa mga super airships nila. Nasa gradeschool ako noon at sobra akong determinado. Kahit bata pa lang, alam ko na ang gusto ko kaya naman nag-aral ako nang mabuti... ok aamin na... di masyadong mabuti pero sapat na para makaipon ng 9 na kilong medalya(alam kong 9 na kilo yun, ipinatimbang ko kasi yun para sana ibenta sa junk shop kaya lang di tinanggap).nagtapos ako sa elementary nang may honor at mangilan-ngilang warnings mula sa Guidance Counselor namin. Ako yata ang isa sa mga buhay na irony. Dinala ko hanggang highschool ang pangarap kong yun subalit di nagtagal, ang pangarap kong maging piloto ay naging isang ilusyon na lang.
Naininiwala ako na lahat ng pangarap ay nagkakatotoo, kailangan mo lang maniwala, umasa at magsikap para dito. Walang maliit o malaking pangarap, walang simple o komplikado, mahirap o madlai at kahit masama o mabuti-lahat pare-pareho lang, mga hiling ng puso. Siguro di ka maniniwala na lahat ng pangarap ay nagkakatotoo kasi kung totoo yun, bakit nasa harap ako ng PC ngayon at wala sa cockpit ng eroplano? Simple lang ang sagot, tulad nga ng sinabi ko, ang pagiging piloto para sakin ay huminto na sa pagiging pangarap at nagsimula nang maging isang ilusyon. Kailan nga ba nagiging ilusyon ang isang pangarap?
Nagiging ilusyon ang isang pangarap sa oras na sukuan mo na ito. Ako, di na ako naininiwala at umaasa na magkakatotoo pa ang pangarap kong maging piloto. Ayaw ko na rin tong pagsikapan kasi alam kong mawawalan rin yun ng saysay sa huli.
Tayo ay biniyayaan ng dalawang bagay noong tayo ay isinilang existence at opportunity. nakikita ko ang buhay na parang isang kusina kung saan tayo ang kusiner. Tayo ang nagdedesisiyon kung ano ang lulutuin natin at sa kung paanong paraan natin yun gagawin. Perpekto na sana pero hindi, dahil hindi tayo ang magpapasya kung anong mga sangkap ang maaari nating gamitin. Marahil dito papasok ang prinsipyo ng isang bagay na hanggang ngayon ay di ko pa rin lubos na nauunawaan-ang kapalaran.
Harapin natin ang realidad, marami sanang kusinero ang may kakayahang magluto ng masasarap na putahe subalit may mga pagkakataon na kahit mantika na pang-gisa ay wala sila subalit di naman yun dapat lubos na ikalungkot. Kung gusto man nating magluto ng beef steak pero puro gulay lang ang nasa kusina natin, sikapin na lang nating tanggapin ang katotohan at subukan na lang magluto ng pinakamasarap na chopsuey. Dapat lagi nating alam ang limitasyon natin, lalo na kung nais natin itong palawakin.
in memory of all my decimated dreams and also to those missed chances of loving and being loved.

Comments