Pagsintang Pururot
tawag daw dito ay pagsintang pururot
wag ka nang kiligin, alam ko namang tunog mabantot
ewan ko nga kung bakit ganun ang tawag dito
siguro wala nang maisip yung nakaimbento
ano kaya kung parang paputok, pagsintang supot
eeew, para yatang mas mabantot
hehehe! siguro ganito talaga
may mga bagay na dapat idaan na lang sa tawa
tulad nitong mga sinasabi ko
nakakatakot kasi kapag sineryoso
alam mo na, baka sa ICU ang maging bagsak
nakakangarag at nakakalabnaw ng utak
di ko nga alam kung bakit naisulat pa tong tula
e para din namang mauuwi sa wala
haay, pagsintang pururot nga naman
hahamakin ang lahat, mailabas ka lamang
eeew!
Comments