Pag-ibig Nga Naman

Paano kapag nakita mo na yung Annie ng Shaider mo, ang Rio ng iyong Michael Joe, ang Chi chi ng iyong Son Gokou, ang Jenny ng iyong Eugene, ang Hinata ng iyong Naruto, ang Bonnie ng iyong Clyde, ang Kim ng iyong Eminem, ang Juliet ng iyong Romeo, ang Salome ng iyong Elias at loveteam ng iyong Bob Ong; kapag nakita mo na yung bubuo sa pagkatao mo na parang Jigsaw puzzle, yung taong magtutuwid sa baluktot at mala-pretzel mong pananaw sa buhay, yung taong magiging gabay mo na parang reflectors ng MMDA sa EDSA; kapag nakita mo na yung taong gusto mong makasama, yung taong ikalulugod mong pagsilbihan, yung taong handa mong ipaglaban kahit kanino, kahit saan at kahit kailan; kapag nakita mo na yung taong mamahalin mo ng walang pagdududa, magiging gaano kasakit na hindi mo makasama yung taong yun? Paano kung sarili mo lang kahinaan at kakulangan ang pumipigil sayo?Siguro maramdaman mo na para kang isan poet na hindi makasulat ng tula, parang isang movie director na hindi makagawa ng pelikula, isang website designer na di makagamit ng PC o kaya naman isang adik sa Peyupi.com na di maka-connect sa Internet. Pag-ibig nga naman.Dati, sabi ko, kahit mahal mo ang isang tao, OA pa rin na kasama mo siya araw-araw kasi sa tingin ko kailangan din ng time para ma-miss yung isa't isa; pero ngayon, ngayon na ako yung tinamaan, wala na akong ibang gusto kundi makasama siya at makausap every single time. Ano nang nangyari sa time para ma-miss yung isa't isa? Ako kasi personally, minuto pa lang na di ko siya makasama o makausap, nami-miss ko na siya.(in-love mode ako so please bear with me and try not to burp)Haay, pag-ibig nga naman.

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together