Natatakot Ka Din Ba?

Takot ako sa daga pero higit diyan meron pa akong ibang kinatatakutan. Hindi; hindi yung halimaw kong prof sa Accounting, hindi rin yung babaeng nagpaiyak sakin (iyakan daw ba yung babae, siyempre nanay ko yun), takot ako sa kinabukasan. Takot akong makita ang hinaharap natin, tayo bilang mga Pilipino (naks makabayan). Napakagulo ng lipunan natin; pulitika, seguridad, pananalapi at halos lahat ng aspeto ng lipunan. Takot akong tumada at magkapamilya nang hindi si...ang asawa ko, oops mali! Ibig kong sabihin, takot akong tumada at magkapamilya sa napakagulo at walang kasiguraduhanng lugar na to na kung tawagin ay Pilipinas.Sayang, kung isasabuhay lang sana ng mga pulitiko yung sinumpaan nilang tungkuling bilang tagapaglingkod ng bayan, wala sanang mga bangayan na nangyayari, wala sanang mga raliyista na sumisigaw sa kalye, wala sanang mga black propaganda na lumalabas,wala sanang katiwalian, tahimik, payapa, maunlad at masaya sana ang lahat.Sayang, kung gagampanan lang sana ng lahat ng mga sundalo at pulis ang tungkulin nilang pangalagaan ang seguridad at ipatupad ang batas, wala sanang mga kotong cops sa lansangan, wala sanang elemento ng kapulisan at militar ang masasangkot sa mga illegal na gawain, wala sanang mga abusadong pulis o militar ang gagamit ng impluwensiya at kapangyarihan para sa pansarili nilang interes, tahimik, payapa, maunlad at masaya sana ang lahat.Sayang, kung iisipin lang sana ng mga terorista ang kapakanan ng kapwa nila ( bukod sa hindi na sila magiging terorista ), wala na sanang mga ari-arian ang mawawasak dahil sa mga pagsabog, wala na sanang mga inosenteng buhay ang makikitil, wala na sanang mga ama ang mahihiwalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pangangailangan na sumugod sa giyera na maari nilang ikamatay, tahimik, payapa, maunlad at masaya sana ang lahat.Sayang, kung iisipin lang din sana ng mga kriminal ang kapakanan ng kapwa nila, wala sanang mga utak ang matutuyo ng dahil sa droga, wala sanang mga bata na maasbuso, wala sanang mga babae ang mananakawan ng dangal, wala sanang mapapatay nang walang dahilan, wala sanang... teka... HOY! CELLPHONE KO YAN! BUMALIK KA DITO! Haaay...tahimik, payapa, maunlad at masaya sana ang lahat.Sayang, kung magagawa lang sana nating disiplinahin ang mga sarili natin bilang mamamayan (kung hindi tayo pulitiko, militar, pulis, terorista o kriminal), wala sanang naninigarilyo kung saan-saan, wala sanang basura na matatambak sa kalye, wala sanang lumalabag sa batas trapiko, wala sanang mga tao na isinisisi ang mapait nilang kapalaran sa iba, lahat sana nagsisikap, lahat nagtutulungan, tahimik, payapa, maunlad at masaya sana ang lahat.Galos lang ang sitwasyon natin kumpara sa sugat na iniinda ng mundo, sugat na dulot ng gulong pulitikal, kahirapan, terorismo at pagkakawatak-watak, sugat na tanging pagbabago lang ang makakagamot. Pagbabago sa dapat sana ay magmumula sa ating lahat, ano man ang lahi o kalagayan sa buhay.Malala na ang sugat pero may pag-asa pang magamot, maniwala ka sakin, may pag-asa pa. kung naniniwala ka sa mga pinagsasasabi ko, sana...sana lang, magawa mong ikalat ang

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together