Takot ako sa daga pero higit diyan meron pa akong ibang kinatatakutan. Hindi; hindi yung halimaw kong prof sa Accounting, hindi rin yung babaeng nagpaiyak sakin (iyakan daw ba yung babae, siyempre nanay ko yun), takot ako sa kinabukasan. Takot akong makita ang hinaharap natin, tayo bilang mga Pilipino (naks makabayan). Napakagulo ng lipunan natin; pulitika, seguridad, pananalapi at halos lahat ng aspeto ng lipunan. Takot akong tumada at magkapamilya nang hindi si...ang asawa ko, oops mali! Ibig kong sabihin, takot akong tumada at magkapamilya sa napakagulo at walang kasiguraduhanng lugar na to na kung tawagin ay Pilipinas.Sayang, kung isasabuhay lang sana ng mga pulitiko yung sinumpaan nilang tungkuling bilang tagapaglingkod ng bayan, wala sanang mga bangayan na nangyayari, wala sanang mga raliyista na sumisigaw sa kalye, wala sanang mga black propaganda na lumalabas,wala sanang katiwalian, tahimik, payapa, maunlad at masaya sana ang lahat.Sayang, kung gagampanan lang sana ng lahat ng ...