Pagiging Single Mom

Sinamahan ko yung pamangkin ko sa Barber Shop noong Linggo. May TV sila, At Home Ka Dito ang palabas. Si Jamilla ng PBB Teen Edition ang featured celebrity; yung single mom.Sa kalagitnaan ng palabas narinig ko yung comment ng isang lalake na tawagin na lang nating si Boy Bawang. Sabi niya, “Ok sana yan si Jamilla kaya lang nagpabuntis agad, malandi.” Gusto kong agawin yung gunting nung barbero para gupitin yung dila niya pero di ko naman kaya eh!Siguro nga ang pagiging single mom ay hindi naaayon sa prinsipyo ng moralidad na meron tayo dito sa Pilipinas. Alam nating mariing tinututulan ng Simbahan ang pre-marital sex. Bilang isang Katolikong bansa, malaki ang impluwensiya ng simbahan sa kung anong konsepto ng moralidad meron tayo bilang isang lipunan. Sa kabila nun, hindi sapat na gawing basehan ang pagiging single mom para husgahan ang pagkatao ng isang babae. Nakakalungkot dahil kadalasan, sa kanila nababaling lahat ng mapanghusgang tingin ng mga taong kung tawagin ay mga ipokritong moralista. Sila yung mga tao na ang career ay punahin lahat ng kamalian(daw) ng iba at ipagduldulan ang mga sarili nila bilang mabuting halimbawa(daw) na dapat(daw) tularan. Isa si Boy Bawang sa kanila.Barnacle head! Nakikita lang nila yung pagkakamali nung tao. Ipaling lang nila ng kaunti ang tingin nila at makikita nila ang tapang nung tao na tanggapin yung pagkakamali niya, bumangon mula sa pagkakamaling yun at harapin ang napakalaking responsibilidad ng isang ina. Hindi lahat ng nalalagay sa ganung sitwasyon ay may tapang na tulad nina Jamilla, sampu ng iba pang single moms diyan. Yun pa lang kahanga-hanga na yun.Hindi ko sinasabi na ok lang ang out of marriage pregnancy. Ang sinasabi ko lang, hindi sapat na basehan ang pagiging single mom para sabihin masama ang isang babae. Ang kailangan nila ay pagtanggap at pang-unawa, hindi panghuhusga at pangungutya.

Comments

Popular posts from this blog

Hantungan Ng Kasalukuyan

All About Loving You

They Look So Happy Together