Posts

Showing posts from June, 2010

Inhibitions

Bigla kong naalala yung sinabi sa book na The Informant ni James Grippando. Sabi dun strangers and lovers lang daw ang mga tao na pwedeng mag-usap without inhibitions. Naisip ko tuloy, yun siguro talaga yung dahilan kung bakit di ko masabi sa kanya yung mga gusto kong sabihin. Ewan. Kahit sa blogs ko di ko na rin talaga mai-post yung mga iniisip ko na para bang gusto ko na lang yun mabulok sa utak ko at makalimutan na lang balang araw. Damn inhibitions.

Balik Lagi Sa Step One

Medyo matagal ko na palang di nakakapag-update. Hindi ko masabi na wala akong time kasi atleast an hour a day nakakapag-browse ako ng net. Hindi ko rin masabi na wala akong idea kasi sa blogging hangga't nakakaramdam ka, meron at meron kang maipopost. Siguro ang kulang sakin e yung "willingness" na magsulat. Sa cellphone ko ang dami nang drafts--mga one-verse poem na gusto ko sanang tapusin pero siguro sa sobrang hype ng emotion e hindi ko na alam kung paano itutuloy. Kapag nakarami mong gustong sabihin parang may fireworks display kung saan sabay-sabay na sumasabog ang mga makukulay na ideya. Gusto mong hulihin lahat, gusto mong tignan at panoorin nang sabay-sabay pero mahirap gawin. Sa bandang huli makikita mo na lang na tapos na pala ang palabas. Sa utak ko malalaman ko na lang na tapos na yung piyesta na ideya. Blanko na naman at makakaramdam ng antok, paggising, balik na naman sa step one.